Garantisado Sa Pag Asenso: Hyundai Modern PUV
Ang PUV Modernization Program na sinusulong ng ating pamahalaan ay ang future ng public transportation sa Pilipinas.
Ang slogan na Comfortable Life For All ay nag uumpisa sa mas maayos, mas malinis, mas mabilis, mas ligtas, and mas-environmentally-friendly na pampublikong sasakyan. Ang manggagawang Pinoy ay dapat handugan ng mas maayos na paraaan upang makapasok at mag-hanapbuhay.
Ito ang inaasahan ng karamihan upang makaabot sa kanilang mga pupuntahan, maging ito man ay sa school, sa office, sa factories, at marami pang iba. Marami na ang kasapi sa pagpapaunlad ng modernization ng public transportation.
Maraming nangungunang tatak, kasama na rito ang Hyundai. Ang tanong marahil ay, bakit nararapat piliin ang Hyundai sa larangan ng PUV Modernization?
Subok sa Tibay
Ang tatak Hyundai ay tatak ng isang maaasahang sasakyan dahil sa proven durability ng bawat Hyundai.
Tanging Hyundai lang ang may sariling steel factory na isa sa mga pinakamalaki at pinaka-advanced sa buong daigdig: ang Hyundai Steel. Dahil dito, nakasisiguro ang Hyundai sa kalidad ng bakal na ginagamit mula sa kanilang maliit na pampamilyang sasakyan gaya ng Accent, sa kanilang mga SUV tulad ng Tucson, mga van tulad ng Grand Starex, hanggang sa kanilang mga truck at platforms ng mga Hyundai Modern PUV.
Subok sa Tipid
Ang mga makina ng mga Hyundai vehicles ay kilala worldwide bilang mga matitipid, lalu na ang mga turbodiesel engines nito. Lahat ng makabagong Hyundai turbodiesel ay gumagamit ng Common Rail Direct Injection, o mas kilala sa tawag na CRDI. Dahil sa CRDI, ang bawat Hyundai ay mas fuel efficient dahil mas complete ang combustion ng fuel.
Maraming sasakyan ng Hyundai ang gumagamit na ng mga makinang CRDI, simula sa maliit na sedan gaya ng Hyundai Accent, sa mga SUV tulad ng Santa Fe at Tucson, hanggang sa mga dambuhalang sasakyan gaya ng Grand Starex at H350. Laging nangunguna ang Hyundai sa mga fuel economy run ng Philippine Department of Energy.
Subok na subok na ang tipid ng CRDI technology ng Hyundai, at ito na rin ang siyang ginagamit upang maging mas matipid ang bawat biyahe ng mga Hyundai Modern PUV.
Subok sa Lakas
Hindi lang matipid ang mga Hyundai turbodiesel engines. Kilala din ang mga makina ng Hyundai sa lakas ng hatak ng diesel.
Dahil sa makabagong CRDI technology at advanced designs ng mga turbocharger, ang mga bagong Hyundai ay fun to drive dahil sa lakas ng hatak at liksi ng mga ito. Tinitiyak ng mataas na torque output ng mga makinang na kayang-kayang paandarin ang sasakyan kahit ito ay puno na ng passengers, cargo, o kahit anumang combination ng dalawa.
Ang Hyundai H-100 Modern PUV Class 1 ay gumagamit ng 2.5 liter turbodiesel engine na nagbibigay ng 130 PS at 26 kg-m of torque. Ang mga numbers na ito ay mas higit pa kung icompare sa mga competitor models na galing sa ibang auto brands. Ang Hyundai HD50S Class 2 naman ay may mas malakas pang 2.9 liter turbodiesel na makina.
Pag passengers ang pinag uusapan, madali lang para sa mga bagong models ng Hyundai.
Subok sa Gawa
Proven na ang brand na Hyundai sa larangan ng heavy duty trucks, buses, at pati na rin mga heavy equipment. Para sa Modern PUV, ginamit South Korean automaker ang mga proven na platform, at nakipag-partner sa local manufacturers upang ma-realize ang dream ng PUV Modernization Program.
Ang body, seats, wirings, at pag-assemble ng bawat Hyundai Modern PUV ay may galing ng Pinoy, dahil dito na binubuo ang mga sasakyan upang maging Modern PUV. Lahat ng Hyundai Modern PUV ay may malakas na air conditioning para maginhawa at maayos ang pananalakbay ng mga pasahero, nakaupo man o nakatayo
Sa ngalan ng mas ligtas na paglalakbay, ang bawat Hyundai Modern PUV ay kinabitan ng Speed Limit Warning Buzzer, GPS tracking device, at may WiFi (operator dependent) na din para maaaring mag online ang mga pasahero habang nasa biyahe.
Subok sa Alaga
Bawat Hyundai customer ay maaaring asahan na aalagaan sila ng mga Hyundai dealer sa service, kahit nasaan man sila sa bansa.
Sa Metro Manila pa lamang ay may 12 na full service dealerships na ang naghihintay upang siyang mag-alaga sa inyong Hyundai. Bukod pa diyan ay may 30 pa na full service dealerships sa mga pangunahing lungsod at mga lalawigan ng Pilipinas. 14 sa mga dealership na ito ay nakatutok sa mga Hyundai Commercial Vehicles gaya ng mga Hyundai Modern PUVs. Lahat ito ay maaaring serbisyuhan ang inyong pinakamamahal na Hyundai.
Ang mga Modern PUV ng Hyundai ay handa na bumiyahe, kasi ang mga ito ay ang ang mga pangunahing binigyan ng Department of Transportation ng Certificate of Compliance para sa Class 1 hanggang Class 3. Kahit ngayong sa New Normal, handa na rin ang Hyundai dahil sa mga Handog Ligtas Biyahe features ng mga Modern PUVs tulad ng plastic dividers, hiwa-hiwalay na mga upuan, contactless o cashless payment system na naka install na, at access sa mga disinfectant para mas safe and pag commute ng mga pasahero.
Hyundai ang nangungunang tatak ng sasakyan na pinagkakatiwalaan ng thousands of Filipino families para sa kanilang personal vehicles pati na rin sa business and transport.
At sa pagpasok ng Hyundai sa PUV Modernization ng ating pamahalaan, nakasisiguro ang Filipino commuters sa quality, sa power, sa comfort, sa safety, at marami pang iba every time na sumakay sila sa isang Hyundai Modern PUV. Para sa karagdagang impormasyon, pwede tignan sa Ligtas Biyahe PUV lineup.