• Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement

Author Topic: Please help. Yo-yo Sale? Car dealer!  (Read 1155 times)

Offline al_vin

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
  • Karma: +0/-0
  • I <3 AutoIndustriya.com
Please help. Yo-yo Sale? Car dealer!
« on: November 14, 2016, 05:53:26 PM »
Hi po.

Bumili kami ng Brand new car last Oct 20, 2016 sa Hyundai. Bale nahihirapan po ako magpaapprove sa bangko kaya lumalabas na sinalo ko or inilipat sa akin yung approval ng iba kaya hindi sa akin nakapangalan yung kotse. pero dumaan naman kami sa legal na proseso. Before nga pala kami magpunta sa Showroom ay matagal na ako nakikipag usap sa agent/broker.

Yung araw rin na iyon naiuwi namin yung kotse. Nagbayad kami ng Downpayment at nagpunta ng Atty para sa mga legal na documents. Nasa akin din ang OR at CR ng sasakyan. Naging maayos naman lahat hanggang last thursday Nov 10, 2016 nakareceived ako ng call mula sa agent at sinabi na nagkamali raw ang accountant ng Hyundai sa Monthly amortization, so imbis na 13,300 ay 14,300 raw. Sobrang nabigla ako dahil mula day 1 na pakikipagusap ko sa agent ay malinaw naman lahat ng usapan. At sa mismong OR ay 13,300 talaga ang nakalagay. Hindi ko lubos maisip kung pano sila magkakamali.

Sana matulungan niyo ako kung anong pwede kong gawin? Kasi sa tuwing makakausap ko ang Hyundai ay inaamin naman nila yung pagkakamali pero wala silang binibigay na solusyon na parang sinasabi nila na I have to deal with it. Hindi biro ang additional 1k na dagdag monthly dahil sa laki ng binayad ko sa Down payment kaya sinabi ko na ibabalik ko nalang ang kotse para mawala na yung sakit ng ulo ko kakaisip pero ibalik nila ang binayad ko. makukuha ko raw ang binayad ko pero less 25% na dahil nailabas na raw ng Casa. Ano po sa tingin niyo? Malinaw naman ang lahat e, nasa akin ang mga chat/text namin ng broker kung magkano ang Quote nya sa akin. Thanks in advance.

Linkback: https://www.autoindustriya.com/talkboard/car-talk-board/5/please-help-yo-yo-sale-car-dealer/34502/

Offline mbenz204

  • Member
  • **
  • Posts: 64
  • Karma: +0/-0
Re: Please help. Yo-yo Sale? Car dealer!
« Reply #1 on: November 15, 2016, 12:27:01 PM »
I-assess mo kung magkano ang downpayment mo at kumporme ka ba roon? Problema yan kasi iipitin ka rin nyan sa final payment term mo kasi hindi malilipat syo yung CR.

Offline downtown

  • Member
  • **
  • Posts: 70
  • Karma: +0/-0
  • Gender: Male
Re: Please help. Yo-yo Sale? Car dealer!
« Reply #2 on: January 12, 2017, 05:44:41 PM »
Wala ka bang official written quotation from them?

  • Connect with us!


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via stumble Share via twitter