Car Forums Philippines - AutoIndustriya.com

In General => Well Maintained => Topic started by: randolfdecastro on May 16, 2022, 02:10:13 PM

Title: CAR AIRCON PROBLEM 97 Lancer GSR
Post by: randolfdecastro on May 16, 2022, 02:10:13 PM
Hi

Newbie here sa forum at 1st time to post. I hope correct yung forum post ko :)

Ask ko lang mga experts here bago ko patira sa mekaniko ac ko. Tho nakapagtanong na ako yung nga lang mag-kaiba ang sagot eh.

Yung problem ko sa ac ko ay ganito....

UNA.. kapag umaga or gabi malamig naman ang ac, nag-o-automatic pa. Pero kapag tanghali na at nababad sa araw ay talong-talo na.

PANGALAWA, minsan or madalas na, kapag nag-on na ulit ang ac mula sa pagka-automatic nya ay hindi na nag-eengage si compressor pero naandar ang dalawang aux fan ko. Kaya ginagawa ko turn off ko ang ac,, after makapag-pahinga na cguro approx 3-5mins mag-on na ulit. Pero after mag-automatic ulit ayaw na ulit mag-engage si compressor pero naandar ang aux fan.

Malakas ang buga ang aux fans at hindi naka-rekta.

Ano po kaya ang problema?

Vehicle type : 97 Lancer GSR 2DR
Engine : 4G92A

Maraming salamat po.
Title: Re: CAR AIRCON PROBLEM 97 Lancer GSR
Post by: Brent on June 04, 2022, 09:18:25 PM
Likely may topak yun thermo sensor inside the car. Bring it to an aircon expert to check. Hard to diagnose on description alone.