Car Forums Philippines - AutoIndustriya.com

In General => Modified Cars => Topic started by: goode on May 01, 2018, 07:50:59 AM

Title: TPMS sensors, replacing and swapping
Post by: goode on May 01, 2018, 07:50:59 AM
Pasensya na kung may ibang nakapagtanong na nito, pero mayroon na sa inyong nakapag install ng TPMS sa kotse niyo? Bumili ako last year ng isang set, yung pinapaltan ang valve mismo. Less than a year later nga lang, yung isang sensor ng gulong error na ang nire-report. Lahat na ng checks ginawa ko, talagang mukhang sira na.

Ang problema nga lang, yung vendor na binilhan ko hindi nag bebenta ng replacement sensor. Medyo na internet-research ako, at mukhang may dalawang klase - yung mga bluetooth, at yung hindi. Tapos sa mga hindi bluetooth, merong mga 319MHz at 433MHz. Meron na ba sa inyo bumili ng ibang brand na "same" frequency para sa TPMS niyo? Kunwari ang Mercedes na 433MHz iniisip ko nang bilhin, since mura lang ang isang piraso.

Salamat sa makasagot!