A car enthusiast forum based in the Philippines with over two decades of intelligent discussions about cars, driving, in-car entertainment, motorsports, off-roading, and motoring life.

News:

Welcome to the AutoIndustriya.com Car Discussion Forums!

Main Menu

toyota 5k modification

Started by ige_0520, December 04, 2009, 04:53:29 PM

Previous topic - Next topic

ige_0520

mga sir may tamaraw fx ako with 5K engine. gusto ko sanang lumakas ang makina kahit konti. pansin ko pag bukas ang a/c medyo nahina ang makina. then pag naakyat kami ng tagaytay kaya naman nya pero parang may kulang.

guto ko sanang magpalit ng airfilter at palagyan ng headers. nag inquire kasi ako sabi nila lalakas daw ang makina. lalakas din ba ang consumption ng gas? di ko kasi kayang magpalit ng makina medyo mahal.

salamat po ng marami!

Raymond

in stock form medyo malakas sa gas ang fx dahil underpowered sa kaha ang 5k engine.

isa sa mga dahilan kung bakit siya mabagal is the a/c compressor. sanden 508 ang stock niyan which is too big for the engine.

for starters try doing the ff muna:

weber 32/36 carb (stock ng ford escort) - not 100% bolt on pero for those na may experience mag modify ng k series engines, alam na nila ang gagawin

upgrade ng ignition system (MSD, etc.) para mas maganda sunog ng kuryente


di ka makakapaglagay ng hi-rise headers dahil tatama sa intake manifold. di pa siya cross flow head kaya you will have clearance issues.

pag mag oovertake or paahon puwedeng magpatay muna ng a/c para madagdagan ng kaunti ang hatak.

remember pag nagpapalakas ng makina, lalakas din sa konsumo sa gas. laging ganyan. there's no such thing as engine modification without the additional fuel consumption.

ige_0520


john5

try mo muna pa tune up.regular maintenance of your engine/car will enhance the performance of your engine :thumbsup: yes it's true tataas ang fuel consumption mo kapag nag upgrade ka ng engine

Emong3

Sakit talaga ng 5k powered FX yan, under powered engine. Yung FX ko dati di maka panik ng SM megamall parking pag 10 ang sakay tapos naka aircon unless bumwelo ka ng mahaba.

If an engine swap is not possible due to budget, tiis nalang muna. Just keep the engine in tip top shape.
- Ignition timing must be adjusted to factory spec.
- Make sure na hindi sliding ang clutch
- air filter must be inspected and replaced regularly (clean every 3 months, replace ever 6 months)
- Turn off a/c button pag paakyat para hindi mabitin.

Pero dami na gumawa 4age TVIS engine swap sa FX! Tapos T50 tranny... lagyan nalang ng LSD pwede na pang drift! :D



http://www.cardomain.com/ride/2484216

eto may step by step...

http://perfectlynerd.com/EngineSwap/index.html



www.hondaclub.com.ph
www.teamFD.com.ph

Raymond

yep dami na nag swap ng 4a-ge sa fx.

mas maganda kung iyong g52 tranny pa rin gagamitin (mas matibay at matched sa kaha) then palit ka 4.3 differential.

Emong3

swak din ba G52 tranny sa 4age?

siguro kung walang budget for a 4age, pwede din 2TG...

www.hondaclub.com.ph
www.teamFD.com.ph

Raymond

gagamit po ng bell housing adapter (may gumagawa locally) para mag bolt on iyong g series tranny sa 4a-ge.

Post Merge: December 15, 2009, 09:24:42 PM

hirap na maghanap ng 2tg ngayon na kumpleto hehehe. tsaka halos wala na ring parts, si ichiban na lang ang meron.

speed unlimited

Quote from: ige_0520 on December 04, 2009, 04:53:29 PM
mga sir may tamaraw fx ako with 5K engine. gusto ko sanang lumakas ang makina kahit konti. pansin ko pag bukas ang a/c medyo nahina ang makina. then pag naakyat kami ng tagaytay kaya naman nya pero parang may kulang.

guto ko sanang magpalit ng airfilter at palagyan ng headers. nag inquire kasi ako sabi nila lalakas daw ang makina. lalakas din ba ang consumption ng gas? di ko kasi kayang magpalit ng makina medyo mahal.

salamat po ng marami!
Tol , high speed kasi differential ng toyota fx mo kaya hirap sa akyatan . Pag pinalitan mo mg low speed differential mo lalakas sa arangkada at akyatan pero hihina naman sa rekta. Iyong paglagay ng air filter at header ay makakahinga ng mabuti makina mo at hindi siya restricted ang power kaya additional lakas sa makina.

Raymond

#9
removed benguet_buynsell's post due to non-sense. next time please keep your replies in perspective. read the TS's questions carefully.

Post Merge: December 16, 2009, 12:25:47 PM

Quote
Tol , high speed kasi differential ng toyota fx mo kaya hirap sa akyatan . Pag pinalitan mo mg low speed differential mo lalakas sa arangkada at akyatan pero hihina naman sa rekta. Iyong paglagay ng air filter at header ay makakahinga ng mabuti makina mo at hindi siya restricted ang power kaya additional lakas sa makina.

if you leave the engine stock but replace the diff to a numerically lower gear (i.e 4.3), mahihirapan na umandar iyong FX bec. underpowered na ang engine sa kaha to start with.

in order to keep costs down, instead of putting in a more powerful engine, toyota just opted to increase the final drive para umiksi ang gearing (ergo, para maubos agad ang powerband, to arrive at peak hp/torque earlier).

raje

hello mga sirs,
may Tamaraw FX ako na 5k, ask ko lang is it advisable na i-diretcho ang propeller shaft? tatangalin ang center bearing at ung 1 cross joint? bale ang cross joint sa magkabila dulo nalng. kasi ngayon kailangan ko pa align kasi kung tumatakbo ako ng mabilis nangiginig ung buong sasakyan. thanks ???

Raymond

^^ not advisable since you are altering the original specification.

kung may alog sa propeller check muna kung maayos pagkakakabit ng rear axle. nabangga na ba iyong fx mo ng matindi or have you done any axle/suspension work that required dismounting of the rear axle?

kingsymbol.rn95

mga masters ano po ba magandang makita ipalit sa 5k ng FX that would compensate sa body niya para hindi under power. pasencya na po newbie. TIA :newbie:

Paul

Quote from: kingsymbol.rn95 on February 27, 2012, 01:21:30 PM
mga masters ano po ba magandang makita ipalit sa 5k ng FX that would compensate sa body niya para hindi under power. pasencya na po newbie. TIA :newbie:

go diesel na. 2L-TE or 1KZ-TE. pati differential kailangan palitan pero i think it's worth the hassle.