EatatPot
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement

Author Topic: Overhaul  (Read 4678 times)

Offline achilles01

  • Member
  • **
  • Posts: 74
  • Karma: +0/-0
  • I ♥ AutoIndustriya.com
Overhaul
« on: September 25, 2013, 10:14:35 PM »
Sir may mga tanong po ako regarding overhauling of an engine  1. Ano po b yung mga signs and symptoms n kailangan ng i-overhaul ang engine.  2. Ano po ba ang pinag kaiba ng top at general overhaul? 3. Ano po b yung mga dapat agapan para hindi umabot sa overhauling ang isang makina. 4. Magkano aabutin ang top overhaul at gen overhaul? Marami pong salamat...

Linkback: https://www.autoindustriya.com/talkboard/well-maintained/18/overhaul/33505/

Offline SR71Blackbird

  • Elite Member
  • *****
  • Posts: 2189
  • Karma: +0/-0
Re: Overhaul
« Reply #1 on: September 26, 2013, 12:51:12 AM »
Mga munting kasagutan:
1. (a) Mausok (maitim) dahil kumakain ng langis ang makina, (b)inaabot na ng dalawa (o higit sa dalawang) litro ang top-up sa pagitan ng dalawang magkasunod na change oil, (c) malakas sa gas, (d) makupad at walang hatak, (e) naghalo ang langis at tubig, (f) napatiran ng Timing Belt (para sa mga Interference Engine), at (g) parating nag o-overheat kahit matino ang Cooling System.

2. Ang Top Overhaul ay hindi ibinaaba ang Engine Block at ang kadalasang trabaho ay naka-focus sa Cylinder Head at malilit na piyesa na puwedeng dukutin. Ang General Overhaul ay halos napalitan na lahat at kinakailangang ang serbisyo ng Machine Shop.

3. (a) Maayos na interval ng Change Oil, (b) parating nasa tamang level ang langis, (c)maayos na Cooling System para maiwasan ang Engine Overheat, (d) huwag magbabad sa redline, (e) maayos na interval sa pagpapalit ng Timing Belt, (f) iwasan ang baha, o (g) huwag gamitin ang sasakyan. Sa madaling salita, lahat ng makina ay aabot sa overhaul depende kung gaano na katagal ang kanyang serbisyo at kung paano ito ginamit.

4. Ang gagastusin ay depende sa laki ng makina, sa laki ng sinira, sa laki ng trabaho, sa kalidad ng piyesang gagamitin at galing ng mekaniko.


Oh Sh!t I'm Late Again!!!

Offline Paul

  • Elite Member
  • *****
  • Posts: 1999
  • Karma: +0/-0
  • Gender: Male
Re: Overhaul
« Reply #2 on: September 26, 2013, 11:10:58 AM »
@sr71blackbird - AFAIK, pag kumakain na ng langis, bluish ang usok. pag tubig, maputi. pag itim, rich ang mixture.

Offline SR71Blackbird

  • Elite Member
  • *****
  • Posts: 2189
  • Karma: +0/-0
Re: Overhaul
« Reply #3 on: September 26, 2013, 10:50:19 PM »
Thanks for the clarification for the word "maitim."
Yup, bluish kapag kumakain na ng langis.

  • Connect with us!


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via stumble Share via twitter

xx
LSD overhaul

Started by hondaboy on Modified Cars

4 Replies
1280 Views
Last post January 07, 2004, 11:45:53 PM
by RS_Sprint
question
overhaul

Started by DTNS on Well Maintained

9 Replies
2256 Views
Last post June 13, 2004, 04:54:50 PM
by sixpack
xx
need to overhaul?

Started by Rhay on Well Maintained

7 Replies
4136 Views
Last post April 26, 2011, 03:38:40 PM
by SR71Blackbird
xx
overhaul

Started by gedinight on Well Maintained

9 Replies
2240 Views
Last post August 02, 2005, 01:28:40 AM
by prysm
question
TOP OVERHAUL?

Started by DomaniRLZ on Well Maintained

4 Replies
6822 Views
Last post November 01, 2014, 08:29:07 AM
by green